Hello everyone specially to all steemians,have a wonderful day and I hope that all of you have good health and lots of happiness.
![IMG20210529093040.jpg](https://cdn.steemitimages.com/DQmenduPZ5NLTLWUY1WkBU4FkidMJjfGqpzRveW93Lu5xoo/IMG20210529093040.jpg)
Sky
Napakagandang tingnan,
Napakagaan sa pakiramdam,
Tila parang lagi kang ligtas,
Ligtas sa lahat pero hindi pala.
Paano kung, paano kung malawala liwanag?
Paano kung dumilim ito bigla?
Paano kung hindi ito babalik sa dati?
Napakadaming paano tumatatak sa isip ko.
Nakatingin sa sky habang inaalala ang magandang ala ala,
Yung bata kapa at yung walang problema iniisip kundi maglaro lamang,
Yung mga ngiti ng bawat pamilya nating tila hanggang abot langit,
Napapangiti ka nalang bigla habang iniisip yun.
Pag may problema man tayo dadarating ay tumingin lamang tayo sa sky,
Isipin ang lahat ng masasayang ala ala,
At sabihin mo ito sa sarili mo na "kaya ko tong harapin at lagpasin"
Huwag mong iwala ang mga ngiti sa iyong mga labi.
Yung problema ay ating ngingitian lamang at huwag magpapadala nito dahil walang problemang hindi kayang lutasin.