"Ang Tatay Kong Seaman"||Tula by mayennaise

View this thread on steempeak.com
· @mayennaise · (edited)
$0.89
"Ang Tatay Kong Seaman"||Tula
![FB_IMG_1529216857793.jpg](https://cdn.steemitimages.com/DQmZ32xKxy5cJ8oFNoGbiMAXuYmHpT9WDBBGh5e2Byu6kvj/FB_IMG_1529216857793.jpg)
<center>"Ang tatay kong seaman"
                        Ni @mayennaise</center>
<center>Ngayon ay araw ng Kagitingan,
Alay sa aking amang sinupil ang kahirapan,
Upang pamilya namin ay matustusan.
Sariling bansa ay nilisan,
At tinaguriang bayani sa sariling bayan.</center>

<center>Paslit pa noong ako'y iniwan,
Ngunit pagkasuklam sa iyo ay hindi naramdaman.
Dahil malayo ka man sa aking piling,
Pagmamahal at pag-aruga mo parin ang aking hiling.
Naglakbay ka sa malayong dapit,
Hindi inalintana ang naranasang pait,
Ngiti ng iyong pamilya'y walang kapalit 
At nagbibigay lakas sa iyo ang larawang natira,
Sa iyong luma at kupas na kartera.</center>

<center>Naglayag ka sa karagatan ng maraming taon,
Mga pangaral mo noong kahapon,
Ay nasa puso't aking baon baon.
Sa pag-aaral ako ay nagpursige,
Upang diploma'y maging regalo ko sa iyong pag-uwi.</center>


<center>Ngayon ay araw ng Kagitingan,
Dahil buhay na bayani ay aking nasilayan.
Daig lahat ng hamon sa buhay,
Pambihirang kagitingan ang taglay.
Sa pagtatapos nitong akong tulang alay,
Nais ko lang sambiting mga salitang tunay,
Mahal na mahal po kita at Maligayang araw ng mga Tatay.</center>


Ito ay sariling akdang naisulat ko, alay sa lahat ng mga tatay sa ibang bansa. Maligayang araw ng mga Ama at saludo kami sa inyong mga kagitingan.Nais kong pasalamatan si @tagalogtrail at @bestofph sa walang sawang pagsuporta sa sariling atin. 

## Nagmamahal,
*Maye*
👍  , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , ,
properties (23)
post_id53,290,127
authormayennaise
permlinkang-tatay-kong-seaman-or-or-tula
categoryfilipino-poetry
json_metadata"{"format": "markdown", "users": ["mayennaise", "tagalogtrail", "bestofph"], "app": "steemit/0.1", "tags": ["filipino-poetry", "literaturang-filipino", "philippines", "pilipinas", "steemitdavao"], "image": ["https://cdn.steemitimages.com/DQmZ32xKxy5cJ8oFNoGbiMAXuYmHpT9WDBBGh5e2Byu6kvj/FB_IMG_1529216857793.jpg"]}"
created2018-06-17 06:28:21
last_update2018-06-17 11:50:54
depth0
children0
net_rshares0
last_payout2018-06-24 06:28:21
cashout_time1969-12-31 23:59:59
total_payout_value0.706 SBD
curator_payout_value0.183 SBD
pending_payout_value0.000 SBD
promoted0.000 SBD
body_length1,553
author_reputation255,074,278,371
root_title""Ang Tatay Kong Seaman"||Tula"
beneficiaries[]
max_accepted_payout1,000,000.000 SBD
percent_steem_dollars10,000
author_curate_reward""
vote details (39)