hindi opisyal na entry by mrnightmare89

View this thread on steempeak.com
· @mrnightmare89 ·
hindi opisyal na entry
Hindi opisyal na entry galing tagalog serye ang tema ng storya.

Prompts
Tema: Inspirational Drama

Mga Elemento na kailangang makita sa kwento:

Dilemma ng mag-asawa

Pangaral ng magulang sa mga bata (quote or proverb na bibitawan at ipapaliwanag sa kwento)

May mangyayari sa isa sa mga anak nila na magiging turning point ng kanilang buhay

Tragic ending

"Pablo wala kana namang huling isda, paano na ang mga gamit sa skwela ng mga bata. Si Ramon kailangan ng pagawan ng uniporme dahil mag umpisa ng mag-aral sa elementarya. Si Lorenso maraming babayarin dahil magragraduate na sa Grade 6." Galit na sabi ni alining Nina sa asaw.
Pagkadating ni Mang Pablo ay binungangaan agad sya ng asawa dahil wala ng perang magamit at laging pa itong walang maayos na huli sa nakaraang araw.

"Nina naman, hindi pa mauubos ang isda sa dagat atsaka may inaabangan akong trabaho sa bukid." Paliwanag ng asawa.

"O mga bata excited na ba kayo mag-aral?"

"Opo, itay." sigaw na sagot ni Ramon.
"Yan ang anak ko, mag-aral ng mabuti para bilhin natin ang dagat at makahuli ng maraming isda si Tatay ah." Pabirong sabi ni Mang Pablo.

"O Lorenso bakit tahimik ka?
"Wala po itay." Mahinang sagot ni Lorenso, gusto nyang huminto sa pag-aaral para tumulong sa ama. Ayaw nyang nag-aaway lagi ang magulang nya dahil sa mga kailanganin sa paaralan.

"Lorenso, 'wag kang mag-alala malakas si itay, kaya ko kayong pag-aralin kaya tumigil kana dyan sa pag-iisip ng kung ano." Alam ni Mang pablo na mabait na bata si lorenso at lagi nitong inaalala ang damdamin na nkapaligid sakanya. 
Tiningnan ni Mang Pablo ang mukha ng bata at talagang malungkot ito. Napansin ni Lorenso na tumingin ang tatay nya at naaawa sa mukha. Ayaw nyang malungkot lalao ang tatay nya kaya ngumiti, lumapit at yumakap.

"Oo, Ramon mag-unahan tayo sa pagbili ng dagat para kay itay."
"Madaya ka kuya eh, mas matanda ka kaya, itay o madaya si kuya."
"Ay wag madaya kuya, kayo na lang dalawa bibili." Nagtatawanan si Lorenso at Mang Pablo habang kinarga ni Mang Pablo ang mga bata.![images (5).jpeg](https://cdn.steemitimages.com/DQmTieyfhHcYqS1VXpMkgstQYerk4Cu9q69PNBUjEEb9vMF/images%20(5).jpeg) 

Isang gabi umulan ng malakas, dumadagondong ang langit. Umihip ang malakas na hangin at dahil nipa lang ang bobong nila kaya muntikan itong dalhin ng hangin. Dali daling inakyat ni Mang Pablo ang bobong at itali ito. Nakasimangot si Aling Nina at sabi, "ano bang klaseng buhay to." Yumuko nalang si Mang Pablo at ngumit sa mga anak habang itinaas ang braso, "o diba malakas si itay?" Ngumiti ang dalawang bata at umupo na sa mesa para kumain.

"Lugaw muna tayo mga anak dahil malamig ngayon, kailangan uminit ang katawan natin."

Si Lorenso ang naglagay sa mga plato nila, at sapat lang sa apat talaga ang ginawang lugaw dahil wala ng bigas. Namuno sa dasal si Mang Pablo at pinikit ang mata.

"AMEN"

Pagmulat ng mata ni Lorenso may nakita syang butiki sa lugaw nya, nahulog galing sa taas. Umiyak ang bata dahil alam nyang wala ng natirang lugaw. Tinapon ang lugaw na may butiki ni Mang Pablo at binigay ang parte nya.

"Wag kana umiyak Lorenso, sayo na kay tatay o dahil busog din naman ako, diba malakas si itay." 

Tumahan si Lorenso at kumain na sila. Pagkatapos kumain ay natulog na sila dahil malamig ang panahon. Habang natutulog sila may tumotulong ulan. Tinakpan ni Mang Pablo ang butas ng kartoon para pansamantalang hindi makatulo.

"Ayoko na sa buhay na ganito Pablo, nakakapagod na" Sabi ni Aling Nina habang umiiyak. 'Wag ka naman ganyan Nina, makakaraos din tayo." sagot ni mang pablo
"Hanggang kailan pa, matagal na tayong ganito." Sabi ni Aling Nina. ![images (1).jpeg](https://cdn.steemitimages.com/DQmfAMSb92LSYNUpfa1zFZuP3U4a5HHvo2bkzYKyLT6QqZu/images%20(1).jpeg)

Kinabukasan umalis si Aling Nina, hindi dinala ang mga bata dahil nag-aaral ito. Umalis itong umiiyak at si Mang Pablo naman ganoon din. Natutulog pa si Ramon kaya nagmamadaling umalis si Aling Nina, samantalang si Lorenso ay grabe ang iyak ngunit ayaw naman iwan ang itay. Kahit sinabi ng tatay nya na may pupuntahan lang alam na nya ang tunay na dahilan.

Lumipas ang araw na wala si Aling Nina sa bahay, si Lorenso na ang nag-aalaga sa kapatid nya, sya ang nagsasaing at nag-iigib ng tubig. Pumunta ang tatay nya dahil kumuha ng panggatong. Pinapalkol nya ang kahoy ng tumama sa bandang paa nya. Umuwi agad ito para magpahinga at baka pag mamaya pa ay lalo lang itong sasakit. Wala syang ininum na gamot, tanging mga halamang gamot lang ang nilagay sa sugat. Lumipas ang ilang araw at lumala ito, hindi sya makalakad sa sakit.

"Anak pasensya kana at hindi makatrabaho si Itay."

"Ayos lang itay nakakahingi naman ako kahit paano ng pagkain natin sa kapatid nyo." sagot ni Lorenso.

Iyon ang idinahilan ni Lorenso pero ang totoo namamasokan sya bilang trabahante sa malapit sa kanilang hardware. Sumasama sa pagdedeliver ng buhangin, hollow block at semento. Minsan sumasideline sya sa pag gawa ng Hollow block dahil hindi naman mabigat, nakakapagod nga lang.![images (3).jpeg](https://cdn.steemitimages.com/DQmTAHYokPCN6QxgyDuwRMHABokDzMzPG1k3etWF3ZyVhSq/images%20(3).jpeg) 

Buong akala ni Mang Pablo ay nanghihingi lang talaga sya ng pagkain dahil kung umuwi ito galing skwelahan ay malinis naman ito. Medyo bumuti na ang pakiramdam ni Mang Pablo pagkalipas ng ilang linggo.

"Tay, titigil na po ako sa pag-aaral para makatulong sa inyo at sa kapatid ko."
Umiyak si Mang Pablo ng tahimik at niyakap ang bata. "Nak patawarin mo ako pero ayokong tumigil ka sa pag-aaral."

Nagpatuloy ng pag-aaral si Lorenso at galing skwelahan dumideretso sa pinapasokan pero sandali lang dahil gumagabi na at baka malaman ng tatay nya.

Lumipas ang ilang buwan habang masayang naliligo ang mag ama. Nagulat si Lorenso at hindi nya maigalaw ang mga paa nya sa dagat.

"Itay tulong". Sigaw sa ama nya habang umiiyak.
Nagmamadaling lumapit si Mang Pablo.
"Bakit anak?"

"Tay, hindi ko maigalaw ang mga paa ko."

"Ha? Bakit?"

"'Di ko po alam, biglaan lang"

Dinala ni Mang Pablo si Lorenso sa arbularyo.

"Naku pasma ito, ipunta nyo na lang sa doktor to."

Umiiyak si Lorenso habang kinakarga ang anak kasama si Ramon. Sumugod sa hospital at pinatingnan sa doktor.

"Manong polyo po ito, hindi po natin alam kung makakalakad pa pero may chance pa rin naman, exercise lang at wag sumuko."

Umiiyak si Mang Pablo habang niyayakap ang anak. "Ano bang ginawa mo anak." Tanong ng ama.

Ikwinento  ng anak ang lahat tungkol sa namamasokan sya ng trabaho. Galing sa trabaho ay naghuhugas agad ito sa dagat para di malaman ang ama at hindi totoong nanghihingi sya.

"Bakit kapa nagtatrabaho nak noong nakakakilos na ako?" Tanong ni Mang Pablo.

"Gusto kong mag ipon itay para makabili ng malaking bangka, pag malaki na gamit mong bangka makakarating kana sa malayo at makakuha ka ng maraming isda at pag nangyari yon babalik na si inay.

Niyakap ng ama ang anak at patuloy na umiiyak habang paulit ulit ni sinasabi.

"PATAWAD ANAK."

WAKAS....

Salamat sa pagbasa. 
larawan ay galing google.com

![QmaYdU2cC8cgiQ5oLNSwXw4kwBxGX5ftdrrojp8MZnfK2b.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmR1n7bGkfzTUoL6MNEmCqbBmjdxoqJkAGRjA1aZinEk9L/QmaYdU2cC8cgiQ5oLNSwXw4kwBxGX5ftdrrojp8MZnfK2b.png)
👍  , , ,
properties (23)
post_id60,751,833
authormrnightmare89
permlinkhindi-opisyal-na-entry
categorytagalogtrail
json_metadata{"image":["https:\/\/cdn.steemitimages.com\/DQmTieyfhHcYqS1VXpMkgstQYerk4Cu9q69PNBUjEEb9vMF\/images%20(5).jpeg"],"app":"steemit\/0.1","tags":["tagalogtrail","steemph","pilipinas","busy","steemitblogger"],"format":"markdown"}
created2018-08-26 04:16:00
last_update2018-08-26 04:16:00
depth0
children3
net_rshares1,718,805,368
last_payout2018-09-02 04:16:00
cashout_time1969-12-31 23:59:59
total_payout_value0.000 SBD
curator_payout_value0.000 SBD
pending_payout_value0.000 SBD
promoted0.000 SBD
body_length7,191
author_reputation58,135,905,929,028
root_title"hindi opisyal na entry"
beneficiaries[]
max_accepted_payout1,000,000.000 SBD
percent_steem_dollars10,000
author_curate_reward""
vote details (4)
@amayphin ·
ang gagaling nyo na talaga mag sulat, nag eenjoy ako sa tagalog serye. Ask ko lang kung free lang ba ang steemph footer? pano makakakuha non? salamat..
properties (22)
post_id60,752,922
authoramayphin
permlinkre-mrnightmare89-hindi-opisyal-na-entry-20180826t044010474z
categorytagalogtrail
json_metadata{"app":"steemit\/0.1","tags":["tagalogtrail"]}
created2018-08-26 04:40:18
last_update2018-08-26 04:40:18
depth1
children2
net_rshares0
last_payout2018-09-02 04:40:18
cashout_time1969-12-31 23:59:59
total_payout_value0.000 SBD
curator_payout_value0.000 SBD
pending_payout_value0.000 SBD
promoted0.000 SBD
body_length151
author_reputation3,950,632,813,983
root_title"hindi opisyal na entry"
beneficiaries[]
max_accepted_payout1,000,000.000 SBD
percent_steem_dollars10,000
@mrnightmare89 ·
mag register ka sakanila, pwede ka sumali sa discord namin at oo libre lang kumuha noon bisitahin mo ang steemph

Posted using [Partiko Android](https://play.google.com/store/apps/details?id=io.partiko.android)
👍  
properties (23)
post_id60,753,052
authormrnightmare89
permlinkmrnightmare89-re-amayphin-re-mrnightmare89-hindi-opisyal-na-entry-20180826t044239770z
categorytagalogtrail
json_metadata{"app":"partiko"}
created2018-08-26 04:42:39
last_update2018-08-26 04:42:39
depth2
children0
net_rshares622,998,298
last_payout2018-09-02 04:42:39
cashout_time1969-12-31 23:59:59
total_payout_value0.000 SBD
curator_payout_value0.000 SBD
pending_payout_value0.000 SBD
promoted0.000 SBD
body_length210
author_reputation58,135,905,929,028
root_title"hindi opisyal na entry"
beneficiaries[]
max_accepted_payout1,000,000.000 SBD
percent_steem_dollars10,000
author_curate_reward""
vote details (1)
@mrnightmare89 ·
at kung gusto mo invite kita sa channel

Posted using [Partiko Android](https://play.google.com/store/apps/details?id=io.partiko.android)
properties (22)
post_id60,753,254
authormrnightmare89
permlinkmrnightmare89-re-amayphin-re-mrnightmare89-hindi-opisyal-na-entry-20180826t044629754z
categorytagalogtrail
json_metadata{"app":"partiko"}
created2018-08-26 04:46:30
last_update2018-08-26 04:46:30
depth2
children0
net_rshares0
last_payout2018-09-02 04:46:30
cashout_time1969-12-31 23:59:59
total_payout_value0.000 SBD
curator_payout_value0.000 SBD
pending_payout_value0.000 SBD
promoted0.000 SBD
body_length137
author_reputation58,135,905,929,028
root_title"hindi opisyal na entry"
beneficiaries[]
max_accepted_payout1,000,000.000 SBD
percent_steem_dollars10,000