Warning: Steem witnesses executed a hard fork on 2020-05-20, seizing 23.6M STEEM from 65 accounts. The funds were transferred to an account named @community321, the ownership (and intentions) of which have not been revealed. The witnesses claim to have been targeting accounts which defended against a hostile takeover in early March, but at least 2 accounts on the list have been inactive for over 4 years.

Coverage:
- Decrypt.io: Steem network to seize $5 million from its own users
- SteemPeak.com: Official Announcement by @softfork22888
- GitHub.com: view steemd HF23 changes

What you can do:
- Send exchanges a notice of the pending class action lawsuit.
- Switch to HIVE, the community-led fork. Visit Hive.blog and Hiveblocks.com.

Iba-ibang paraan ng pagkita ng pera sa platform ng KLEROS maliban sa pagiging hukom sa pamamagitan ng pag-gamit ng iba ibang desentralisadong aplikasyon sa ilalim ng ekosistema nito. by frankydoodle

View this thread on steempeak.com
· @frankydoodle · (edited)
$0.44
Iba-ibang paraan ng pagkita ng pera sa platform ng KLEROS maliban sa pagiging hukom sa pamamagitan ng pag-gamit ng iba ibang desentralisadong aplikasyon sa ilalim ng ekosistema nito.
<center>![image.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmNqPygMiR4PAFivV1gPnDj8SSLSd4aYd2Xq2RUwZzg2jU/image.png)</center>


Magandang araw ulit sainyo mga kababayan kong Pilipino. Nandito nanaman ako upang muli ay magbigay kaalaman sa napakagandang sistema at plataporma ng KLEROS. Kung maaalala nyo'y nung nakaraang buwan ay nagbigay ako ng mga pinaka simpleng hakbang upang maging isang hukom sa Kleros at sa iba-ibang korte nito. Kung bago kayo sa aking blog ay maaari nyong mabisita muli ito dito: https://steemit.com/pilipinas/@frankydoodle/kagandahan-at-benepisyo-ng-pagiging-isang-hukom-or-arbiter-sa-mga-kaso-sa-kleros-na-plataporma-papaano-maging-isang-hukom-sa

Ang tatalakayin natin ngayong araw ay ang iba pang paraan ng pagkita ng pera gamit ang Kleros bukod sa pagiging hukom,tagahatol o tagapasiya sa isang kaso. Kung di ninyo natatanong mga kababayan, ang Kleros ay may iba pang desentralisadong mga aplikasyon na maari ninyong magamit upang kumita ng pera at matuto sa iba pang gamit-kaso ng Kleros at ang iba pang parte ng ekosistem nito. 

Note: Lahat ng imahe ay may pagkredit sa may gawa sa mga link na nakalagay.

Pinagkunan: https://kleros.io/en/


![wow.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmdsaa2gi56ovhurta6G7zhFdVZPAmDDmt5K55fkwtHVbP/wow.png)

# Mga produkto ng Kleros at eksplanasyon ng bawat isa

## 1. Linguo


<center>![image.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmV1JGuXJPepxGsfrSCJ32X1GCJRfNZYjYGrejAooP2aZ7/image.png)</center>

---> Ito ang isa sa mga susunod na maiimplementa at mapagtutuunan ng pansin ng kupunan ng Kleros. Sa madaling sabi, ang Linguo ay isang plataporma kung saan ang isang tao na marunong magbasa at magsulat sa iba pang lenggwahe o sakanyang sariling lenggwahe na kung saan ang kliyente ay nangangailangan ng translasyon ng isang dokumento para maisalin ang mga salita mula sa lenggwahe ng kliyente patungo sa iba pang lenggwahe upang mas maraming maabot at makaintindi sa nais nitong iparating sa nakararami at magkaintindihan sila ng nagsusulat. Ito ay maaaring patungkol sa teknikal o hindi teknikal na aspeto ng translasyon o pagsasalin ng mga wika. 

Papaano magsimula bilang isang tagasalin ng mga salita?

Unang-una mong kailangan gawin ay magkaroon ka ng sarili mong wallet. Lahat ng trabaho na nasa blockchain ay nangangailangan ng isang web3 na wallet upang makapag interaksyon sa blockchain at matalinong mga kontrata. Gaya nga ng nasa isang blog post ko na nasa itaas, kailangan natin ng coinsph upang magkaroon muna tayo ng ETH dahil kung magpapasa ka sa blockchain ng iyong pagsasalin o translasyon, kailangan mo ng gasolina na pambayad o 'gas fees' sa ingles upang ma-iregister ang iyong gawa o trabaho sa Linguo.

Dito ka muna pumunta sa https://coins.ph/


![image.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmYGRss2Sgmu8MAEJoz9zyRgokVaSapueaUt8GFcsUW7nJ/image.png)


Kasunod nyan ay ikaw ay gumawa ng akawnt at gumawa ng ETHEREUM na pitaka na nagkakahalaga ng otsenta pesos. Kailangan mong maglagay ng pera sa iyong PESO wallet at gumawa ng ETH wallet. Maari kang magpunta sa iba't ibang pag cash-in na mga center o pera-padala na pinakamalapit. Maaari din ang 7-Eleven pang top-up.


![image.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmfUW5aHT5oXqTwDX71NBsAMChtytXccGavpSJv96P5Lyj/image.png)


Ngayon na mayroon ka nang ETH wallet, ay maaari ka nang makatanggap ng pera mula sa Linguo kung sakali ay maayos ang iyong pagkakasalin ng mga trabahong ibinigay sa iyo. Susunod ay kailangan mong magkaroon ng Pang interakt sa mga matalinong kontrata sa blockchain kagaya ng simpleng Desentralisadong aplikasyon gaya ng Metamask. Ganito lamang ang iyong gagawin, magpunta sa Metamask at ikonekta ang iyong wallet. Magkaiba ang wallet sa coinsph dahil sila ang taga labas ng iyong pera. Bukod pa din ang Metamask dahil ito ang taga interakt at kailangan mo ding gumawa ng sarili mong wallet dito para hawak mo ang pribadong susi na kung saan naglalaman ito ng detalye ng iyong pitaka. 

Ito ang website kung saan ang Metamask ay matatagpuan: https://metamask.io/index.html


![image.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmQz8hfadeKxELwzABtQWcA7LyExTgD4ytp6eTef4HgBjo/image.png)

Iklik mo lang ang 'download' sa iyong Google na browser at gumawa ng wallet. Iclick lamang ang '+Create account' sa Metamask ekstensyon sa iyong browser at pangalanan ang bagong akawnt at itago ang 'seed phrase' na tinatawag dahil ito ang magsisilbing iyong pribadong susi na ikaw lamang dapat ang nakakaalam dahil dyan nakalagay ang iyong magiging pera kung sakaling ikaw ay magtrabaho na sa mga Dapp sa Kleros. Pag iyong natapos iyan ay magkakaroon ka na ng iyong pitaka sa Metamask at ikaw ay nakaset na upang mag trabaho sa Linguo. 

Ito nga pala ang website papunta sa Linguo: https://linguo-beta.netlify.app/home

Pagkapunta mo dyan sa pahina ng Linguo, makikita mo ang tatlong ito


![image.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmfCwQfx1D9Q1eyq7ecqYEJ75j5UQBoxEkbqDoP9XXLac1/image.png)


a. My translations--> Ang nakapaloob dito ay ang mga nais mong ipatrabaho sa ibang tao kung gusto mong magpatrabaho ng pagsasalin. Sa madaling salita, ikaw ang kliyente dito pag ito ang pinili mo dahil iyong iuupload sa sistema ng Linguo ang dokumento mo pag ikaw ay magpapagawa kasama na ang presyo mo na nakasaad sa katumbas na ETHEREUM lamang. Sa ngayon ay ibang wika papuntang Ingles o Britanyang ingles pa lamang maaaring ang pagsasalin ng mga salita pero sa pagdaan ng mga araw ay magkakaroon ng iba pang lenggwahe. 

![image.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmYpg4iSCTegFZBCSVuzV7ahYqgfK5tFy8wSJrWAtSsQrT/image.png)

Dito ay makikita mo din ang iyong mga ipapatrabaho kung ikaw ay may dispyut o ang iyong pinapatrabaho ay may nangyayare o wala. 

![image.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmZcs6SSJQDr47WeiS1we3fRM78iJfK8ByeP132btAuzDY/image.png)


b. Work as a translator---> Dito naman ay kung ikaw ay nais magtrabaho upang maging isang tagasalin ng mga salita.  maaari mo ding iupdate ang iyong mga kakayan upang ikaw ang tatawagan o inonotipika para sa mas kumplikado na mga pagsasalin ng mga salita. Kung ikaw ay bilingual o mahigit pa, paniguradong malaki ang iyong kikitain dito.

Dito ay maaari mo din dagdagan ang iyong mga iskill.

![image.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmd62nPW7oy4XSSeNHExf985SH9KH2fr8iPmbEsFo28uBx/image.png)


c. Review translations---> Bukod sa pagsasagawa ng iyong mga pagsasalin ng mga salita, maaari mo din magrebyu ng mga ginawa sa Linguo ng iyong kapwa tagasalin. Kung may nakita kang di tama sa pagsasalin o kung sa tingin mo ito ay minadali o ginamitan lamang ng Google transleyt, maaari kang mag taas ng isang dispyut at ang mga tagapamagitan sa desentralisadong mga korte sa Kleros upang magkaroon ng arbitraryo at upang ang nagdispyut ay maaaring kumita kung tama ang kanyang paghahamon sa nagpasa ng translasyon na trabaho. Kaya kailangan mong maging mapagsiyasat sa iyong mga gagawin sa Linguo.


![wow.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmdsaa2gi56ovhurta6G7zhFdVZPAmDDmt5K55fkwtHVbP/wow.png)


## 2. UNISWAP NINJA

https://uniswap.ninja/swap

![image.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmdfyV6zLz66qg5jBnAvhrFkYSywiuzirFQDhvTw5UoqQ2/image.png)

Kasunod ay itong Uniswap Ninja. Maaaring narinig na  ninyo ang Uniswap. Dito naman sa Kleros ay mayroon din silang produkto na Uniswap Ninja. Dito ay maaari ka din kumita sa pamamagitan  ng pagpoprovide ng liquidity sa mga pool na may mga token upang makapag palit agad ang mga tao ng kanilang mga token nang wala nang kailangan pa ng "book order" katulad sa isang sentralisadong palitan. Depende sa iyong share sa nasabing pool, hahatiin ang lahat ng nasingil na fee mula sa pagttrrade sa Uniswap Ninja at ito ay awtomatikong mapupunta sa iyong ETH na pitaka.



![image.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmY5ZEWtnd9jc2KkmCY3dRuZKC7NEX1gZByasyvszWWbTW/image.png)

Isa sa nagustuhan ko din sa Uniswap Ninja ay may 'Send' sila na buton kung saan maaari kang magpadala ng token mismo mula Uniswap Ninja patungo sa kung saan mo gusto na address na kailangan. Di yan makikita sa orihinal na Uniswap na plataporma. Halimbawa nalang dito. na kung saan gusto mong papalitan ang inyong ETH sa ANT at saka ipasa sa iyong papadalhan. Isahang proseso nalang.


![image.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmS57YRxkQ4TMamAZnAKpF1Ny9hiSYpMvJqyXxw8a3G1TS/image.png)




![wow.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmdsaa2gi56ovhurta6G7zhFdVZPAmDDmt5K55fkwtHVbP/wow.png)


## 3. Kleros T2CR

Kung isa ka sa mga tinatawag na may alam na pagdating sa konsepto ng blockhain at iba ibang token na nasa ilalim ng Ethereum blockchain na tinatawag na ERC-20 na barya, maaari kang maging kalahok dito sa T2CR at gawing ang mga nakalista sa T2CR na maging lehitimong mga proyekto lamang ang nakapaloob dito upang ang mga susunod na mga henerasyon at mga nais maglaan ng pera sa mga token na ito ay makakasigurado na may proyektong lehitimo at grupo ng mga taong tumatrabaho sa mga proyekto ng nasasabing token dito. 

Kung gayon, paaano ka kikita dito? Kailangan mo ng technical na kakayahan upang makita mo kung ang isang token ay lehitimo saka mo ito ipapasa sa T2CR: https://tokens.kleros.io/tokens

Kung maaari ay tignan maigi ang iyong gagawin at isusulat at ipapasa upang magkaroon ka ng kasalukuyang premyo sa mga magbibigay ng maayos na mga token sa T2CR sa form ng PNK na token. Maaari ka din maging isang tagahamon na kung saan kung ang isang taong nagpasa ng token na di nakapasa ay maaari mong i-challenge at kailangan mo itong mapatunayan sa pamamagitan ng ebidensya. Kung ikaw ay tama, at sayo pumabor ang mga tagapamagitan, maaari mong makuha ang taya ng nagpasa ng token sa listahan ng token at makukuha mo pabalik ang iyong itinaya. Ito ang isang sampol na larawan ng T2CR


![image.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmYY8hBJYuJ5uTsGJnnA3N5mZXuknzR5VfeX6mcaf6B2Mp/image.png)


## 4. Curate--> Safe Farming

Ito ay naipasa ng kupunan ng Kleros upang magkaroon ng matiwasay na pagkuha ng tubo sa isang pool ng token at makakuha pa ng ibang token na may halaga sa isang plataporma. Maaari kang kumita dito sa pamamagitan ng pagpapasa ng isang patubuang pagsasaka sa blockchain. Kinakailangan mong ipresenta kung papaano ang proseso at gaano kalaki ang maaring tubuin ng pera at iba pang kailangan malaman ng Kleros at iba pang nais magsaka ng ani. Ginawa ng Kleros ito dahil ang sinumang mapipili ay magkakaroon ng kanilang hati sa kooperatiba ng Kleros dahil may ilalaan silang isang milyong dolyar na pangsaka ng tubo sa blockchain na kanilang mapipili mula sa kanilang komyuniti. Maaring makita ang iba pang detalye nito dito.: https://blog.kleros.io/kleros-curate-yield-farming-strategies/

Sa laki ng kailangan na itaya na katumbas ng 18.5 ETH sa ngayon, ay kailangan mong maging maingat at nagkokomplay ka sa mga kailangan sa krayterya ng KLEROS. Dahil kung hindi, ay maaaring may maghamon sa iyong estratehiya na ipinasa para pagpilian at maaari mong mawala ang 18.5 ETH kung ang naghamon ay nanalo. Kaya kung ikaw ay may alam na isang estratehiya ay iyong ipasa ito dahil paniguradong ang iyong hati sa pondo ng Kleros ay malaki ang balik.


![image.png](https://cdn.steemitimages.com/DQmUcs8aanH1cbjhPpSBt7cMo7AUqmeZ3aNGdyCfrgPytMu/image.png)
Maaaring mapuntahan ang mga nasa itaas na listahan sa pagpunta dito: https://curate.kleros.io/tcr/0xF339047C85d0dd2645F2bD802a1e8a5e7AF61053

Salamat ng marami sa inyong pagbabasa sa aking paglalathala kung paaano kumita sa Kleros at iba pang desentralisadong aplikasyon sa ilalim nito. 

Kung may iba pa kayong kailangang makitang impormasyon, magtungo dito:

Website: https://kleros.io/en/

Whitepaper: https://kleros.io/whitepaper_en.pdf

One-pager: https://kleros.io/onepager_en.pdf

Kleros Curate: https://blog.kleros.io/kleros-curate-announcement/

Blog: https://blog.kleros.io/

Social media channels

Facebook: https://www.facebook.com/kleros.io

Linkedin: https://www.linkedin.com/company/kleros/

Github: https://github.com/kleros

Slack: https://slack.com/kleros

Reddit: https://www.reddit.com/r/Kleros/

Twitter: https://twitter.com/kleros_io

Telegram: https://t.me/kleros

About the author
My Metamask eth address connected to Kleros: 0xE90558e78964DF67A69866Bd1d838C2dA2966301

Do you like my advocacy? You can donate cryptocurrencies here:

Donate BTC: 19udCJXqMVcAPgK3tNC7VdVjJirSAsanDK

Donate Ethereum: 0xDFD2144eb8CC1212551d50b00b18a2fEfcf6762b

Donate Dash: XkrQAsEgxMkZSrDkgoQhgoAWSVPhfs5Lyd

Donate Doge: DC6pGognFVU4wrt6AJtkmD7mXRKFepnMZQ

Donate Litecoin: LNKorfrjR12h7Ykx3Ros8kZF5UiUqmotav

#teamphilippines

Here are other of my blogging profiles:
You may also earn cryptocurrencies from here guys!

Publish0x:https://www.publish0x.com/?a=gl9avlrdG1

Hive: https://hive.blog/@frankydoodle
👍  , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , , and 1035 others
properties (23)
post_id87,703,228
authorfrankydoodle
permlinkiba-ibang-paraan-ng-pagkita-ng-pera-sa-platform-ng-kleros-maliban-sa-pagiging-hukom-sa-pamamagitan-ng-pag-gamit-ng-iba-ibang
categorykleros
json_metadata{"tags":["blog","blockchain","ethereum","teamphilippines"],"image":["https:\/\/cdn.steemitimages.com\/DQmNqPygMiR4PAFivV1gPnDj8SSLSd4aYd2Xq2RUwZzg2jU\/image.png","https:\/\/cdn.steemitimages.com\/DQmdsaa2gi56ovhurta6G7zhFdVZPAmDDmt5K55fkwtHVbP\/wow.png","https:\/\/cdn.steemitimages.com\/DQmV1JGuXJPepxGsfrSCJ32X1GCJRfNZYjYGrejAooP2aZ7\/image.png","https:\/\/cdn.steemitimages.com\/DQmYGRss2Sgmu8MAEJoz9zyRgokVaSapueaUt8GFcsUW7nJ\/image.png","https:\/\/cdn.steemitimages.com\/DQmfUW5aHT5oXqTwDX71NBsAMChtytXccGavpSJv96P5Lyj\/image.png","https:\/\/cdn.steemitimages.com\/DQmQz8hfadeKxELwzABtQWcA7LyExTgD4ytp6eTef4HgBjo\/image.png","https:\/\/cdn.steemitimages.com\/DQmfCwQfx1D9Q1eyq7ecqYEJ75j5UQBoxEkbqDoP9XXLac1\/image.png","https:\/\/cdn.steemitimages.com\/DQmYpg4iSCTegFZBCSVuzV7ahYqgfK5tFy8wSJrWAtSsQrT\/image.png","https:\/\/cdn.steemitimages.com\/DQmZcs6SSJQDr47WeiS1we3fRM78iJfK8ByeP132btAuzDY\/image.png","https:\/\/cdn.steemitimages.com\/DQmd62nPW7oy4XSSeNHExf985SH9KH2fr8iPmbEsFo28uBx\/image.png","https:\/\/cdn.steemitimages.com\/DQmdfyV6zLz66qg5jBnAvhrFkYSywiuzirFQDhvTw5UoqQ2\/image.png","https:\/\/cdn.steemitimages.com\/DQmY5ZEWtnd9jc2KkmCY3dRuZKC7NEX1gZByasyvszWWbTW\/image.png","https:\/\/cdn.steemitimages.com\/DQmS57YRxkQ4TMamAZnAKpF1Ny9hiSYpMvJqyXxw8a3G1TS\/image.png","https:\/\/cdn.steemitimages.com\/DQmYY8hBJYuJ5uTsGJnnA3N5mZXuknzR5VfeX6mcaf6B2Mp\/image.png","https:\/\/cdn.steemitimages.com\/DQmUcs8aanH1cbjhPpSBt7cMo7AUqmeZ3aNGdyCfrgPytMu\/image.png"],"links":["https:\/\/steemit.com\/pilipinas\/@frankydoodle\/kagandahan-at-benepisyo-ng-pagiging-isang-hukom-or-arbiter-sa-mga-kaso-sa-kleros-na-plataporma-papaano-maging-isang-hukom-sa","https:\/\/kleros.io\/en\/","https:\/\/coins.ph\/","https:\/\/metamask.io\/index.html","https:\/\/linguo-beta.netlify.app\/home","https:\/\/uniswap.ninja\/swap","https:\/\/tokens.kleros.io\/tokens","https:\/\/blog.kleros.io\/kleros-curate-yield-farming-strategies\/","https:\/\/curate.kleros.io\/tcr\/0xF339047C85d0dd2645F2bD802a1e8a5e7AF61053","https:\/\/kleros.io\/whitepaper_en.pdf","https:\/\/kleros.io\/onepager_en.pdf","https:\/\/blog.kleros.io\/kleros-curate-announcement\/","https:\/\/blog.kleros.io\/","https:\/\/www.facebook.com\/kleros.io","https:\/\/www.linkedin.com\/company\/kleros\/","https:\/\/github.com\/kleros","https:\/\/slack.com\/kleros","https:\/\/www.reddit.com\/r\/Kleros\/","https:\/\/twitter.com\/kleros_io","https:\/\/t.me\/kleros","https:\/\/www.publish0x.com\/?a=gl9avlrdG1","https:\/\/hive.blog\/@frankydoodle"],"app":"steemit\/0.2","format":"markdown"}
created2020-09-27 06:23:57
last_update2020-09-27 07:21:39
depth0
children0
net_rshares2,163,051,199,959
last_payout2020-10-04 06:23:57
cashout_time1969-12-31 23:59:59
total_payout_value0.248 SBD
curator_payout_value0.192 SBD
pending_payout_value0.000 SBD
promoted0.000 SBD
body_length12,693
author_reputation6,606,934,480,075
root_title"Iba-ibang paraan ng pagkita ng pera sa platform ng KLEROS maliban sa pagiging hukom sa pamamagitan ng pag-gamit ng iba ibang desentralisadong aplikasyon sa ilalim ng ekosistema nito."
beneficiaries[]
max_accepted_payout1,000,000.000 SBD
percent_steem_dollars10,000
author_curate_reward""
vote details (1099)