THE DIARY GAME | 05312021 | 🏠🏠 Back at Home after a week in Pasig 🏠🏠 by mikejosephortega

View this thread on steempeak.com
· @mikejosephortega ·
$0.32
THE DIARY GAME | 05312021 | 🏠🏠 Back at Home after a week in Pasig 🏠🏠
Magandang araw sa lahat. 😊😊😊

![Medium.com](https://miro.medium.com/max/1400/1*aQNMn73J5n29V5Q2Uo28jA.png)
<sup>[Sourcec](https://blog.glip.com/5-must-visit-sites-to-help-you-kick-start-your-week-on-motivationmonday-c0e9ace8984f)</sup>

Monday na naman. New week for new opportunities. Even though na walang nagreply sa mga applications ko last week, I need to be positive and hope that some of this days ay may tatawag or mag-eemail na saakin. 
I'm trying to keep positive, and tumutulong naman din ang family ko sa mga nangyari last week (about doon sa pagaaply ko online and sa hindi pagtuloy ng process ng application.), mostly sila mama at mga kapatid ko lang ang nagpapalift-up ng nararamdaman ko. Yung papa ko kasi ay napaka demanding sa amin. Iniisip ko nga minsan ay parang gusto niya kaming gawing banko niya na makukuhaan ng pera tuwing may gusto siyang bilhin. Nakakainis lang talaga minsan yon kasi mas pinaggagastusan niya pa yung ibang tao kaysa saamin na pamilya niya.
Kaya nag decide nalang din ako na di muna bumalik doon dahil napaka toxic talaga ng feeling doon sa lugar niya sa Pasig.
Sorry. Kailangan ko lang talagang ilabas yon at nakakatulong din talaga saakin pag sinusulat ko (or in this case tinatype ko) yung mga nararamdaman ko. Nakakagaan di kasi ng nararamdaman pag palagi akong nagsusulat ng mga bagay na kailangan kong ilabas. Pero usually kasi ay sa English ako nagsusulat. Para na din na masanay akong magsuat at mag salita ng English ng tuloy tuloy. 

___________________________

Nagising ako ngayong araw na nagpreprepare na sila mama sa pag punta sa Pasig. Nagaayos sila ngayon ng online graduation at nag rerecord na sila mama at ang kanyang mga co-teachers para dito. Naisip siguro ng school na para di paputolputol ang kanilang program, kung sakali man na mawalan ng internet ang isa sa kanila ay ni-record na nila lahat ng mga sasabihin at kakantahin ng mga estudyante sa kanilang program. 
Nagready na din sila kuya at papa ng kanilang mga gamit na dadalhin sa Pasig. Nakabili si kuya ng pandesal sa isa sa mga naglalako dito sa loob ng subdivision namin. Ang tagal ko naring hindi nakakakain ng pandesal simula ng paglipat namin dito sa Bacoor. Ang hira din kasi dito saamin dahil sobrang layo ng bilihan ng mga pagkain dito saamin. Kailangn mo pang mag tricycle para lang makabili ng tinapay dito. 

<center>
![Lutong Bahay Recipes](http://lutongbahayrecipes.com/wp-content/uploads/2018/11/Homemade-Pandesal-480x270.jpeg)
<sup>[Source](http://lutongbahayrecipes.com/homemade-pandesal/)</sup>
</center>

Nakaalis na sila ng mga bandang 8 ng umaga. pagkaalis nila ay nagayos muna ako ang kaonte dahil medyo nagiwan pa sila ng kalat ng pinagkainan nila. Inayos ko na din yung mga hugasin ni ate dahil medyo magulo ang pagkalagay ng mga plato at mga pinaglutuan. 
Nagkape nalang muna ako at kumain ng binili ni kuya na pandesal. Nag basa dinmuna ako ng isa sa mga bago kong biling libro noong nasa Pasig ako last week. Sale kasi ang mga nabili ko sa NBS kaya namili agad ako ng mga gusto ko. Mga hardbound pa ito kaya naman ay talagang sulit ang akong pagbili rito. Ang binasa ko ngayon ay isang nobela na ang title ay "Release". Maganda na agad simula palang, kaya naman medyo tumagal ang pagbabasa ko dito. 
Mga 9:30 ng umaga ng nagdesisyon akong mag saing na muna ng kanin. Sakto namang bumaba na si ate. Di kasi ako maka decide kung anong lulutuin na ulam ngayong araw. Kaya hinintay ko muna siya at nagtanong kung anong uulamin namin ngayong araw.
Pagkatapos kong lutuin yung ga uulamin namin ay naghain na si ate at kumain na kami. Habang kumakain ay nanood din ako ng isa sa mga sinusubaybayan kong series sa YouTube na Thai BL series.  

![lakorngalaxy.com](http://lakorngalaxy.com/wp-content/uploads/2020/12/fish-upon-the-sky-L-1024x576.jpg)
<sup>[Source](https://lakorngalaxy.com/fish-upon-the-sky-2021/)</sup>

Pagkatapos naming kumain ni ate ay nanood kami ng "FRIENDS The Reunion". Honestly, medyo nakakaiyak yung show kasi nakakamiss yung magkakasama sila sa isang show. Maganda naman kasi talaga yung series at binabalik balikan talagang panootin ng mag tao. Kahit mga teen agers ngayon ay pinanood na ang series nang dahil sa pandemic. 
Pinakita din sa show kung paano nabuo ito. Yung audition nila kung sino yung unang naka kuha ng roles sakanila at yung mga moments nila sa set ng FRIENDS. 

![Variety](https://variety.com/wp-content/uploads/2021/05/Friends-The-Reunion.jpg?w=681&h=383&crop=1)
<sup>[Source](https://variety.com/2021/tv/news/friends-reunion-ross-rachel-break-marcel-things-we-learned-1234979490/)</sup>
👍  , , , , , ,
properties (23)
post_id91,595,100
authormikejosephortega
permlinkthe-diary-game-or-05312021-or-back-at-home-after-a-week-in-pasig
categoryhive-169461
json_metadata{"tags":["betterlife","thediarygame","philippines","steemitphilippines","thediarygameph","journal","diary"],"image":["https:\/\/miro.medium.com\/max\/1400\/1*aQNMn73J5n29V5Q2Uo28jA.png","http:\/\/lutongbahayrecipes.com\/wp-content\/uploads\/2018\/11\/Homemade-Pandesal-480x270.jpeg","http:\/\/lakorngalaxy.com\/wp-content\/uploads\/2020\/12\/fish-upon-the-sky-L-1024x576.jpg","https:\/\/variety.com\/wp-content\/uploads\/2021\/05\/Friends-The-Reunion.jpg?w=681&h=383&crop=1"],"links":["https:\/\/blog.glip.com\/5-must-visit-sites-to-help-you-kick-start-your-week-on-motivationmonday-c0e9ace8984f","http:\/\/lutongbahayrecipes.com\/homemade-pandesal\/","https:\/\/lakorngalaxy.com\/fish-upon-the-sky-2021\/","https:\/\/variety.com\/2021\/tv\/news\/friends-reunion-ross-rachel-break-marcel-things-we-learned-1234979490\/"],"app":"steemit\/0.2","format":"markdown"}
created2021-05-31 14:22:03
last_update2021-05-31 14:22:03
depth0
children1
net_rshares524,723,141,909
last_payout2021-06-07 14:22:03
cashout_time1969-12-31 23:59:59
total_payout_value0.160 SBD
curator_payout_value0.158 SBD
pending_payout_value0.000 SBD
promoted0.000 SBD
body_length4,578
author_reputation7,300,176,045,008
root_title"THE DIARY GAME | 05312021 | 🏠🏠 Back at Home after a week in Pasig 🏠🏠"
beneficiaries[]
max_accepted_payout1,000,000.000 SBD
percent_steem_dollars10,000
author_curate_reward""
vote details (7)
@steemcurator08 ·
This post has been rewarded by @steemcurator08 with support from the Steem Community Curation Project.

Follow @steemitblog to get info about Steemit and the contest.

[Anroja](https://steemit.com/@anroja)
properties (22)
post_id91,693,903
authorsteemcurator08
permlinkqu69sf
categoryhive-169461
json_metadata{"users":["steemcurator08","steemitblog"],"links":["https:\/\/steemit.com\/@anroja"],"app":"steemit\/0.2"}
created2021-06-04 10:14:42
last_update2021-06-04 10:14:42
depth1
children0
net_rshares0
last_payout2021-06-11 10:14:42
cashout_time1969-12-31 23:59:59
total_payout_value0.000 SBD
curator_payout_value0.000 SBD
pending_payout_value0.000 SBD
promoted0.000 SBD
body_length205
author_reputation1,548,816,618,912
root_title"THE DIARY GAME | 05312021 | 🏠🏠 Back at Home after a week in Pasig 🏠🏠"
beneficiaries[]
max_accepted_payout1,000,000.000 SBD
percent_steem_dollars0